HINIKAYAT ng Philippine Collegiate Champions League (PCCL) ang mga estudyante at basketball fans na suportahan ang Visayas Regional 3x3 basketball games na libreng mapapanood sa University of San Carlos Gym, Cebu City sa Nobyembre 11.

Inilunsad ng PCCL ang kauna-unahang school-based National 3x3 Basketball Championship sa isasagawang Visayas Regional games. Susundan ito ng apat pang regional games bilang bahagi sa programa ng PCCL na palakain ang 3x3 basketball sa lalawigan.

Ang 3x3 basketball ay bahagi ng Olympic Games simula sa 2020 Tokyo Olympics.

Kabuuang 10 koponan mula sa Cebu, Bohol, Roxas City at Dumaguete City ang sasabak sa Visayas regional games. Ang mananalo rito ay pagkakalooban ng libreng tiket para makalahok sa National Grand Finals sa February 2018.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“PCCL is inviting the students and basketball fans of Cebu City to watch for free the exciting 3x3 games and cheer for their respective teams as they compete for a place in the National Grand Finals, “ pahayag ni Coach Joe Lipa, PCCL Executive Director.

Makakasama ng Visayas regional champion ang mga magwawagi sa regional games sa North/Central Luzon, South Luzon/Bicol; Mindnao at National Capital Region.

Libre ang panonood sa naturang laro na magsisimula ganap na 7:00 ng umaga.