Ni: Marivic Awitan

NAKAMIT ni Adamson University point guard Jerie Pingoy ang Chooks-to-Go UAAP Press Corps Player of the Week award para sa nakalipas na linggo kasunod ng ipinamalas na all-around performance sa kanilang panalo kontra University of the Philippines nitong Linggo na nagpatatag sa Falcons sa Final Four.

UP's Paul Desiderio (front), Adamson's Simon Camacho (back-left) and Papi Sarr try to rebound during the UAAP Season 80 Round 2 match at Smart Araneta Coliseum, November 5, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)
UP's Paul Desiderio (front), Adamson's Simon Camacho (back-left) and Papi Sarr try to rebound during the UAAP Season 80 Round 2 match at Smart Araneta Coliseum, November 5, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)

Ginapi ng Soaring Falcons ang Fighting Maroons, 86-70, upang makamit ang ikatlong upuan sa semifinals.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Malaki ang naging papel na ginampanan ni Pingoy sa nasabing panalo sa naiskor na 15 puntos, walong assists, anim na steals, apat na rebounds, at 0 turnovers.

“We really prepared for this game kasi Final Four na ‘yung pananaw naming. Sinunod lang naming yung system, sinuwerte rin kami,” pahayag ni Pingoy. Naging sandigan ang 5-foot-9 guard sa matikas na kampanya ng Falcons sa ikalawang sunod na taon.

Ngunit, naniniwala si Adamson head coach Franz Pumaren na ang kanyang reliable playmaker na may average na 7.3 points, 4.8 assists, 2.5 rebounds, at 2.5 steals ay marami pang kayang magawa.

“We’re just scratching the surface of what he can do right now. If he will just follow what we’re trying to teach him, I think he will be a better all-around player,” pahayag ni Pumaren.

Tinalo ni Pingoy para sa weekly citation ang teammate na si Papi Sarr, at sina La Salle center Ben Mbala, Ateneo wingman Thirdy Ravena, at FEU guard Jasper Parker.