Naging mapayapa ang unang Linggo ng pagkuha ng Bar Examinations ng 7,257 aspiring lawyers sa University of Santo Tomas sa Sampaloc, Manila kahapon.
Mahigpit ang naging pagbabantay ng 700 tauhan ng Manila Police District (MPD) sa paligid ng unibersidad para tiyaking walang magaganap na anumang kaguluhan o di kanais-nais na pangyayari sa lugar.
Idadaos ang bar exams sa apat na Linggo ng Nobyembre. - Mary Ann Santiago