Manila, Philippines - NAISALPAK ni Orlan Wamar ang walong three-pointers para sandigan ang defending champion Centro Escolar University kontra Olivarez College, 67-64, at mabawi ang kapit sa solong liderato sa 2nd Universities and Colleges Basketball League (UCBL) nitong weekend sa Olivarez College gym sa Parañaque City.

Tumapos ang 5-foot-8 na si Wamar ng game-high 26 puntos para sa ikalimang sunod na panalo ng CEU at ika-11 sa kabuuang 12 laro para lagpasan ang Colegio de San Lorenzo (10-1).

Nagwagi ang Technological Institute of the Philippines kontra Bulacan State University, 91-83, para sa 4-8 karta.

“Credit goes to the players. They embraced my challenge that they need to step up in order for us to repeat over the Sea Lions,” sambit ni CEU coach Yong Garcia. “We struggled to make our usual shots but they were great defensively in the second half.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Taliwas sa kanilang unang pagtatagpo kung saan dominante ang Scorpions, napalaban ng husto ang CEU at nangailangan nang sapat na katatagan sa krusyal na sandali.

Sumablay ang three-pointer ni Richmon Sunga sa buzzer na pumuwersa sana sa overtime.

Iskor:

CEU (67) — Wamar 26, Fuentes 7, Cruz 6, Guinitaran 6, Manlangit 5, Baconcon 4, Arim 3, Galinato 3, Demigaya 2, Umeanozie 2, Uri 2, Caballero 1.

Olivarez (64) — Begaso 15, Sunga 11, Bermudes 9, Castro 6, Lalata 6, Uduba 6, Saguiguit 5, Almajeda 2, Solis 2, Elie 1, Navarro 1, Geronimo 0, Rabe 0.

Quarterscores: 14-24; 37-40; 52-51; 67-64.