OKLAHOMA CITY(AP) — Patuloy ang impresibong kampanya ng Boston Celtics, sa pangunguna ni Kyrie Irving na kumana ng 25 puntos, nang itarak ang come-from-behind 101-94 panalo kontra Oklahoma City Thunder nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

Nag-ambag si Al Horford ng 20 puntos, habang tumipa si Jaylen Brown ng 10 puntos at 12 rebounds para sa ikapitong sunod na panalo ng Celtics. Nanguna si Paul George sa Thunder sa nakubrang 25 puntos at 10 rebounds, habang kumana sina Russell Westbrook ng 19 puntos at 11 assists at Carmelo Anthony na may 10 puntos at 14 rebounds.

VINTAGE MANU! Nagawang makaiskor ni Manu Ginobili, sa edad na 41, ang pinakamatandang player sa NBA ngayong season.
VINTAGE MANU! Nagawang makaiskor ni Manu Ginobili, sa edad na 41, ang pinakamatandang player sa NBA ngayong season.
Naghabol ang Celtics mula sa 18 puntos na bentahe ng Thunder sa first half. Isang three-pointer ni Semi Ojeleye ang nagtabla sa iskor sa 79-all may anim na minuto ang nalalabi sa laro. Natikman ng Boston ang bentahe sa 82-79 mula sa isa pang three-pointer ni Horford.

CAVS 130, WIZARDS 122

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Sa Washington, tinuldukan ng Cleveland Cavaliers ang four-game losing skid sa impresibong panalo kontra Wizards.

Ratsada si LeBron James sa naiskor na season-high 57 puntos, habang kumana si Derrick Rose ng 20 puntos at may 17 puntos si Jae Crowder para sa 4-5 karta. Nag-ambag si Kevin Love ng 11 puntos.

Nanguna sa Wizards, nagtamo ng tatlong sunod na kabiguan, si Bradley Beal na may 36 puntos.

SPURS 108, HORNETS 101

Sa San Antonio, puminta sa Spurs ang bench-warmer na si Bryn Forbes sa naiskor na 22 puntos, habang umiskor si Rudy Gay ng 20 puntos para putulin ang four-game slide ng San Antonio.

“Wins help, but I think we just played better,” sambit ni guard Patty Mills, kumana ng 17 puntos sa ikalawang pagkakataon bilang starter.

“I think even if we would have lost that game we still could have had a positive feedback because we played better. That’s where we’re trying to be right now.”

Sumabak ang Spurs na wala sina starter Kawhi Leonard at Tony Parker na kapwa may injury, habang wala sa Charlotte sina Nicholas Batum at Michael Carter-Williams, at Michael Kidd-Gilchrist.

Nanguna sa Hornets si Jeremy Lamb na may 27 puntos.

PELICANS 99, MAVS 94

Sa Dallas, nagsalansan si DeMarcus Cousins ng 20 puntos at 22 rebounds, habang hataw si Anthony Davis na may 30 puntos sa panalo ng New Orleans Pelicans kontra Mavericks.

“They are pretty good in the post and pretty good outside,” pahayag ni Pelicans coach Alvin Gentry patungkol kina Cousins at 6-10 Davis. “The thing that I love is that they are also unselfish players. You look at DeMarcus and most nights he has seven assists, eight assists, nine assists.

Naitala ni Harrison Barnes ang season-high 26 puntos para sa Mavericks, bumagsak sa 1-9 ngayong season.

Kumubra naman si Jrue Holliday ng walong assists at a season-high walong rebounds para sa Pelicans.

Sa iba pang laro, nadomina ni Houston Rockets ang Atlanta Hawks, 119-104; ginapi ng New York Knicks, sa pangunguna ni Kristaps Porzingis na may 27 puntos, ang Phoenix Suns, 120-107.