GABALDON, Nueva Ecija - Tumagal nang halos walong taon ang pagtugis bago tuluyang natunton at naaresto ng pulisya ang matagal nang wanted sa kasong panggagahasa sa Barangay Caragsacan, Dingalan, Aurora nitong Huwebes.

Sa ulat ng Gabaldon Police sa tanggapan ni Senior Supt. Eliseo T. Tanding, Nueva Ecija Police Provincial Office director, may nakabimbing kaso ng statutory rape si Sotero Cal y Padaca,25, obrero, at residente sa nasabing lugar.

Nakorner ng pulsya si Cal dakong 11:00 ng umaga sa ikinasang manhunt operation, sa bisa ng arrest warrant.

Batay sa record ng Gabaldon Police, si Cal ay ikapito sa top 10 wanted persons sa lugar. - Light A. Nolasco

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?