Apat na katao ang iniulat na nasawi habang sugatan ang iba pa sa magkakahiwalay na aksidente sa motorsiklo sa Pangasinan nitong weekend.

Sa report kahapon ng Pangasinan Police Provincial Office, nakilala ang mga nasawi na sina Ronnel Tagabi, 17, residente ng Barangay Bacundao East, Malasiqui; Jennifer Del Rosario Hora, 21, ng Bgy. Narra, San Manuel; Fernando Romua, 65, taga-Bgy. Sumabnit, Binalonan; at Ryan Cayabyab, 35, ng Bgy. Nibaliw Norte, Bautista, Pangasinan.

Kapwa sumalpok sa kapwa motorsiklo sina Tagabi at Romua, habang Toyota Fortuner naman ang bumangga kay Cayabyab.

Sa plant box naman sumalpok ang motorsiklong sinakyan ni Hora, at nasugatan naman ang driver na si Ram John Juan, 19, ng Bgy. Cabaritan, San Manuel; at ang isa pang angkas na si Jennifer Balleras Austria, 19, ng Bgy. San Roque, San Manuel, Pangasinan. - Liezle Basa Iñigo

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog