Ni: Nora Calderon

PAGKATAPOS ng very successful two-night R3.0 concert ni Regine Velasquez-Alcasid sa Mall of Asia Arena Arena, kasalukuyan silang naglilibot ng asawang si Ogie Alcasid sa kanilang US Concert Tour, ang Mr. & Mrs. A.

Regine Ogie R3 copy

Work at bakasyon na iyon para sa mag-asawa dahil kasama nila si Mommy V at dalawang sisters ni Regine, ang anak nilang si Nate at kasama rin nila ang anak ni Ogie kay Michelle van Eimereen, si Leila.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Right after ng concert ni Regine, umalis na sila para maka-rest muna, nagsimula ang concert tour nila last October 29 sa Pittsburg California. Sa Friday naman, November 3, nasa Las Vegas sila.

Sold out na ang concert nila sa New York sa Sunday, November 5, gayundin sa show nila sa Saturday, November 11, sa San Diego, California. Sa Sunday, November 12, na ang last leg ng tour nila sa Los Angeles, California. Ang concert tour ay produced ng Star Media Entertainment at co-presenter ang GMA Network.

Kapag walang show, sinasamantala ng buong pamilya ang pamamasyal sa mga lugar na pagdadausan ng susunod ng concert.