Ni REGGEE BONOAN

PINADALHAN kami ng handler ni Julia Montesna si Mac Merla ng Cornerstone Entertainment, Inc. ng mga video at litrato ng mga taong nag-aabang sa aktres sa binuksang branch ng Bench sa Dubai.

Julia copy copy

Halos maiyak daw si Julia sa mainit na pagtanggap ng mga tao, kasi nga hindi naman niya ini-expect na siya ang gustong makita ng mga kababayan natin sa nasabing bansa.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

“Grabe! Overwhelming ang supporta ng Filipino community dito sa amin! Napakadaming tao na pumunta para sa store opening ng Bench dito sa Al Ghurair Mall,” mensahe sa amin ni Mac.

“Bench invited Julia to be part of the opening dahil siya ang pinakagusto ng mga franchisees dito. Lumipad kami nu’ng Wednesday and nag event noong Thursday October 26, 6 PM.

“At first sinabi sa akin ni Julia, ‘Kuya Mac, pupuntahan ba ako ng mga tao mamaya?’ Siyempre sinabi ko, oo naman!

Hanggang sa time na ng event marami na nagsasabi sa akin na napakadaming tao but ayaw ko maniwala hangga’t hindi ko nakikita. Nagulat ako nang sinendan ako ng pictures ng organizers na sobrang dami ngang tao!

“Sabi sa akin ng organizers, ito raw ang pinakamalaking crowd for an event sa history ng Al Ghurair Mall kaya even mga executives na ibang lahi ng mall kailangan na tumulong sa security dahil sa dami ng tao! Overwhelming talaga!”

Dahil gustung-gustong makunan nang malapitan ng litrato ang aktres ay nagkatulakan na, kaya si Julia na mismo ang nakiusap sa lahat na huwag magtulakan. Sa mga litratong ipinadala, makikita na umabot hanggang ikalawang palapag ang mga tao sa kagustuhang makunan ng litrato ang dalaga.

Isa si Julia sa pinakapaboritong endorsers niBen Chan kaya Mara Clara days pa ay Bench model na ang aktres. Maraming ibang brand na nag-aalok sa kanya ng mas malaking bayad, pero hindi umalis sa Bench ang dalaga.

“Sobrang loyal nito (Julia) sa brand. Sa Belo nga sinabi niya kay Dra. Belo personal na ‘di siya lilipat. Kahit may offer and ibang clinic at babayaran siya ayaw niya. Mahalaga kay Julia ang loyalty.

“Sabi niya kay Dra. Belo, ‘Ikaw ang nagtiwala sa akin noong wala pa akong career kaya hindi kita iiwan,” say ni Mac.

Hindi tayo nagkamali ng susuportahan, Bossing DMB dahil napakagandang tao ni Julia, in and out, at marunong siyang magpasalamat sa lahat ng mga tumutulong sa kanya.

Hmmm, kaya pala maski sa lovelife loyal si Julia, ehem, ehem...

Samantala, abala si Julia sa bagong teleserye niya sa ABS-CBN under Dreamscape Entertainment na may titulong Asintadokasama sina Lorna Tolentino, Paulo Avelino, Agot Isidro, Aljur Abrenica, Shaina Magdayaoat Cherry Pie Picache mula sa direksiyon nina Jojo Saguin, Onat Diaz at Lino Cayetano.