OAKLAND, California (AP) — Huwag arukin ang lalim ng determinasyon ng isang kampeon.

Naramdaman ng Washington Wizards ang hagupit ng Golden State Warriors nang makabalikwas mula sa 18 puntos na paghahabol sa second half tungo sa come-from-behind 120-117 panalo nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

Golden State Warriors' Draymond Green, left, argues with a referee during the first half of an NBA basketball game against the Washington Wizards, Friday, Oct. 27, 2017, in Oakland, Calif. (AP Photo/Ben Margot)
Binulyawan si Draymond Green ang referee bunsod ng ‘non-call’ sa kanyang pag-drive sa baskets. Napatalsik sa laro si Green kalaunan. (AP)
Hataw si Kevin Durant sa naiskor na 31 puntos, 11 rebounds at anim na assists para sandigan ang Warriors sa paghahabol sa larong nabahiran ng gusot nang magpang-abot sina Golden State’s Draymond Green at Washington’s Bradley Beal na naging dahilan sa kanilang pagpapatalsik sa laro bago ang halftime.

Kumubra si Stephen Curry ng 20 puntos at walong assists, tampok ang dalawang three-pointer at dalawang free throw sa huling minuto ng third period at mailapit ang Warriors sa 97-87 tungo sa final period.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sinundan nina Klay Thompson at Durant ang larga ng Golden State sa three-pointer para tuluyang maagaw ang bentahe. Nag-ambag si Thompson ng 18 puntos.

Naisalpak ni Durant ang jumper may 1:20 ang nalalabi para mahila ang bentahe ng Warriors sa lima. Nasundan ito ng dalawang free throw para sa tatlong puntos na abnate may 9.4 segundo sa laro.

Nagmintis si John Wall sa pagtatangkang maipuwersa ang overtime.

Nagkainitan sina Greena t Beal may 19.5 segundo ang nalalabi sa second quarter. Kapwa pinatawan ng technical ang dalawa at kaagad na pinatalsik sa laro.

Nanguna si Wall sa Wahington sa natipang 20 puntos at 14 assists, habang kumubra sina Kelly Oubre Jr. ng 19 puntos at Marcin Gortat na tumipa ng 18 puntos.

WOLVES 119, THUNDER 116

Sa Minneapolis, ratsada si Karl-Anthony Towns sa naiskor na 33 puntos at 19 rebounds, sa panalo ng Minnesota Timberwolves kontra Oklahoma City Thunder.

Nag-ambag si Jimmy Butler, nagbalik laro matapos magkaroon ng upper respiratory infection, sa nakubrang 25 puntos.

Nabalewala ang naisalansan ni Russell Westbrook na 27 puntos, siyam na assists at walong rebounds sa Oklahoma City. Kumubra si Carmelo Anthony ng 23 puntos.

Kumana rin si Minnesota point guard Jeff Teague sa naiskor na 16 puntos at 10 assists.

ROCKETS 109, HORNETS 93

Sa Charlotte, ginapi ng Houston Rockets, sa pangunguna ni James Harden na may 27 puntos, 11 assists at 10 rebounds, ang Hornets.

Muntik nang nabura ng Rockets ang kanilang NBA regular season record na 24 three-pointer made at 61 three-pointer attempted na naitala noong Disyembre.

Nanguna sina Eric Gordon at Ryan Anderson sa hataw ng Rockets sa tres. Kumana si Gordon ng 6-of-16 sa arc para sa 26 puntos, habang tumipa si Anderson ng 6-of-15 para sa 21 puntos.

Kumubra si Kemba Walker sa Hornets sa natipang 26 puntos at kumana si Dwight Howard ng 19 puntos at 16 rebounds.

KNICKS 107, NETS 86

Sa New York, nanaig ang Knicks sa Brooklyn Nets sa labanan ng dalawang ‘Big Apple’ team.

Nagsalansan si Kristaps Porzingis ng 30 puntos at siyam na rebounds, habang humugot si Rookie guard Frank Ntilikina ng siyam na puntos.

Maagang nakaabante ang New York at nahila ang bentahe sa 72-50 mula sa 25-6 run sa third period.

Hataw si D’Angelo Russell, bayani sa panalo ng Nets sa Cleveland Cavaliers, sa naiskor na 15 puntos.

Sa iba pang laro, tinuldukan ng Orlando Magic ang four-game winning run ng San Antonio Spurs, 114-87; giniba ng Toronto Raptors ang Los Angeles Lakers, 101-92.