Ni: Noel D. Ferrer

PAGKATAPOS ng napakagandang interview kay Congresswoman Vilma Santos-Rector sa The Source na programa ni Pinky Webb sa CNN-Philippines, nag-guest din siya sa Magandang Buhay na dapat sana ay birthday celebration niya o ipapalabas sa kaarawan niya sa Nobyembre 3.

VILMA copy

Dahil congressional break, nagkaroon ng pagkakataong makapag-tape ang ating mahal na aktres at mambabatas; at naka-set nang ipalabas ang two-day celebration sa kanyang kaarawan mismo.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ang kaso, tinawagan daw siya ng staff ng Kapamilya Network at sinabing maa-advance ang airing date dahil hindi sila nakapag-tape minsan at kailangang iere na ang nakabangkong episode ni Ate Vi.

Kaya palabas na ngayon at bukas ang dapat ay birthday episodes ni Ate Vi at katulad ng lagi niyang sinasabi, she is in a good place, she is content with her family, her circle of friends and her constituents.

Nagpapakatotoo ako kapag sinasabi kong si Ate Vi ang isa sa mga nagpapaganda ng image ng mga kongresista ngayon. At tuwing sinasabi ko na isa siyang presidentiable, lagi niyang sinasabi na, “Im happy and content where I am, I will just try to be the voice of hope and inspiration, hindi na ako naghahangad ng higit pa.”

“There’s too much hate and negativity nowadays, ano na lang ba ‘yung makapagbigay tayo ng inspirasyon at pag-asa, di ba?” sabi pa ni Ate Vi.

Bukod sa trabaho niya sa Kongreso, kasama ko rin si Ate Vi sa Metro Manila Film Festival Executive Committee at excited kami sa mga magsa-submit ng finished film entries na ang deadline ay sa Oct 30.

Kumpirmadong dadalo si Ate Vi ng aming execom meeting at announcement of the official MMFF entries sa November 17.