ni Bella Gamotea

Iniimbestigahan ng Taguig City Police ang motibo sa pamamaslang ng hindi nakilalang salarin sa dalawang lalaki sa lungsod, iniulat kahapon.

Dead on the spot si Lyndon Trinidad, 29, sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan, gayundin ang hindi pa nakikilalang kasama nito na nasa 25-30 anyos, nakasuot ng itim na T-shirt at shorts, na nabaril sa balikat at tenga.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, nangyari ang pamamaril sa panulukan ng Road 6 at Maguindanao Street sa Barangay New Lower Bicutan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nakarinig ng walong putok ng baril ang mga residente sa lugar hanggang sa matagpuan ang dalawa na duguang nakahandusay sa kalsada at kapwa wala nang buhay.

Wala namang nakasaksi sa insidente, at patuloy na inaalam ng awtoridad kung may closed circuit television (CCTV) camera sa lugar.

Narekober ng mga pulis ang anim na basyo ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa pinangyarihan ng krimen.