Ni: Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

2 n.h. -- Adamson vs La Salle

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

4 n.h. -- FEU vs Ateneo

Ateneo Blue Eagles, kumpiyansa; La Salle, magpapakatatag.

MATIBAY na ang katayuan ng Ateneo Blue Eagles sa Final Four. Ngunit, may nais pa silang patunayan – mawalis ang UAAP Season 80 men’s basketball elimination.

Target ng Blue Eagles na madagit ang ika-10 sunod na panalo sa pagsagupa sa host Far Eastern University ngayon sa pagpapatuloy ng second round action sa Araneta Coliseum.

Nanatiling walang gurlis ang Blue Eagles nang magapi ang Adamson University Falcons,71-59, na nagsiguro sa kanila sa playoff para sa unang Final Four berth.

Sa kabilang dako, sisikapin ng Tamaraws na makapagsimula ng panibagong winning run matapos makabalik sa pamamagitan ng 96-70 paggapi sa winless pa ring University of Santo Tomas noong nakaraang Linggo upang mapalakas ang kanilang tsansa na umusad sa susunod na round.

Nasa ikatlong puwesto sa kasalukuyan ang Tamaraws hawak ang barahang 4-5, isang laro ang agwat sa pumapanglimang University of the Philippines na may 4-5 marka.

Sa kabila ng kasalukuyang estado, gusto ni Ateneo coach Tab Baldwin na huwag makuntento sa kanilang laro ang kanyang mga players partikular sa aspeto ng depensa kung gusto aniya nilang umabot sa kampeonato.

Gaya ng Blue Eagles, consistency rin depensa ang problema ni coach Olsen Racela sa kanyang Tamaraws.

Sa unang laro, ikatlong sunod namang panalo ang target ng Green Archers upang patibayin ang kapit sa second spot.

Tatangkain nila na makaulit sa Falcons matapos ang 85-73 panalosa unang pagtatagpo sa elimination.

Samantala sa panig naman ng Falcons, magkukumahog silang makabangon mula sa nakaraang kabiguan sa kamay ng Blue Eagles na pumutol sa kanilang 4-game winning run.