Ni: Mary Ann Santiago

Maaari nang magamit ng mga pasahero ang bagong gawang conveyance system, na binubuo ng 32 elevator at 13 escalator, sa Light Rail Transit (LRT)-Line 2.

Pinangunahan nina Transportation Secretary Arthur Tugade at LRT-2 Administrator Reynaldo Berroya ang pagpapasinaya sa bagong conveyance system sa Recto station sa Maynila.

Ayon kay Berroya, makalipas ang 15 taong pagtitiis ng mga pasahero ng LRT-2 ay magiging maginhawa na ang kanilang paglalakbay.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Nabatid na Mayo 2017 sinimulan ang pagpapalit ng depektibong conveyance system sa LRT-2. Noong panahon na iyon, aniya, ay wala kahit isang elevator na gumagana.