Ni: Lyka Manalo

LIAN, Batangas - Patay ang isang 68-anyos na babae nang madulas at malunod sa ilog na tinatawiran nito sa Lian, Batangas.

Wala nang buhay nang matagpuan ang katawan ni Cresencia Bastona, taga-Barangay Prenza, Lian.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 11:00 ng umaga nitong Lunes nang matagpuan sa ilog ang bangkay ng matanda.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nabatid sa report na tumatawid umano ang matanda sa ilog nang madulas at tangayin ng agos hanggang sa malunod.

Pauwi na sana ang biktima mula sa pagpupulong ng mga senior citizen na ginanap sa kanilang barangay hall nang mangyari ang insidente.