Ni: Niño N. Luces

CAMP OLA, Legazpi City – Napatay ang dalawang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) at isang opisyal ng Philippine Army nang magkabakbakan sa bayan ng Tiwi sa Albay, kahapon ng umaga.

Ayon sa report na natanggap ng opisina ni Chief Supt. Antonio Gardiola, Police Regional Office (PRO)-5 director, nangyari ang insidente sa Sitio Mapalak, Barangay Joroan sa Tiwi habang nagsasagawa ng combat patrol ang 92nd Division Reconnaissance Company, sa pangunguna ni 1st Lieutenant Siatriz.

Ayon kay Capt. Joash Pramis, chief ng Division on Public Affairs Office (DPAO) ng 9th Infantry Division na nakabase sa Pili, Camarines Sur, aabot sa 30 miyembro ng hinihinalang NPA ang nakaengkuwentro ng tropa ng gobyerno sa halos 15 minutong bakbakan, na ikinamatay ng isang sundalo at dalawa sa mga rebelde.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Narekober sa pinangyarihan ng bakbakan ang apat na M16 rifle, dalawang M203 grenade launcher, 13 backpack, bomba, at mga personal na gamit.