Ni: Rizaldy Comanda
BAGUIO CITY - Nasopresa ang mga opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)-Cordillera sa biglaang drug test na isinagawa ni BJMP Regional Director Atty. Edgar Bolcio, habang isinasagawa ang 3rd Quarter Management Conference kahapon ng umaga, sa Baguio City.
“Sinadya ko talagang sopresahin sila sa random drug test na ito, dahil ito ang tamang pagkakataon na nandito ang lahat ng mga warden at iba pang mga opisyales ng bawat BJMP ng siyudad at lalawigan ng rehiyon para sa aming conference,” pahayag ni Bolcio.
Samantala, pawang nagnegatibo sa drug test ang 52 opisyal ng BJMP-Cordillera.