Ni LEONEL M. ABASOLA, May ulat ni Genalyn D. Kabiling

Ibinasura kahapon ng Commission on Appointment (CA) ang pagkakatalaga kay Dr. Paulyn Ubial bilang kalihim ng Department of Health (DoH).

Ubial copy

Halos tatlong dekada nang kawani ng DoH si Ubial, at sa pagkakabasura sa kanyang appointment ay tuluyan na siyang tinanggal at kailangang magkaroon na kaagad ng kapalit.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Nabatid na hindi pumasa si Ubial makaraang hindi nito sang-ayunan ang hiling ng administrasyon na padaliin ang proseso sa pagbili ng mga gamot at medical supplies para sa mga sundalong nakikipagbakbakan sa Marawi City.

Matatandaang Hulyo ngayong taon nang nagbanta ang Pangulo na sisibakin sa puwesto si Ubial kung hindi aapurahin ang pagbili ng medical equipment na kinakailangan ng militar.

Tumanggi rin si Duterte na tanggapin ang paliwanag ng kalihim na ang pagkakaantala ay dulot ng bidding process para sa mgaequipment. “Change the procedures or I will change you,” ani Duterte.

Nagpahayag naman kahapon ng panghihinayang ang Malacañang sa hindi pag-apruba ng CA kay Ubial.

“We regret the Commission on Appointments’ non-confirmation of Department of Health Secretary Paulyn Jean Rosell-Ubial,” saad sa pahayag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella.

Si Ubial ang ikalimang cabinet appointee ni Pangulong Rodrigo Duterte na na-reject ng CA, kasunod nina Perfecto Yasay ng Department of Foreign Affairs (DFA), Gina Lopez ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Judy Taguiwalo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Rafael Mariano ng Department of Agrarian Reform (DAR).