Ni: Orly L. Barcala

Habang isinusulat ang balitang ito, malubha ang kalagayan ng isang lalaki makaraang saksakin ng nakababata nitong kapatid sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center si James Rosales, 28, ng Barangay Longos ng nasabing lungsod. Siya ay nagtamo ng saksak sa dibdib.

Tumakas naman ang suspek na si Abraham Rosales, 24, matapos ang insidente.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon sa saksing si Bernadeth Magpusao, nagkaroon ng mainitang diskusyon ang biktima at ang nanay nito sa loob ng kanilang bahay, dakong 9:30 ng gabi.

Narinig ito ni Abraham at sinaway si James at sila naman ang nagkasagutan hanggang sa kumuha ng kutsilyo ang una at sinaksak ang huli.