MAGTUTUOS ang St. Clare College-Caloocan at De Ocampo Memorial College sa finals ng NAASCU Season 17 men’s basketball tournament.
Naisaayos ang inaasahang senaryo nang gapiin ng St. Clare ang Colegio de San Lorenzo, 78-70, habang nanaig ang De Ocampo sa St. Francis of Assisi College, 81-65, para makumpleto ang sweep sa kani-kanilang semifinal match up.
Gaganapin ang Game One ng kanilang best-of-three title series sa Lunes sa San Andres Sports Complex sa Manila.
Pinangunahan ni Mohamed Pare, 6-6 exchange student mula sa Republic of Mali, ang 11-3 run ng Saints sa huling 2:41 ng laro para selyuhan ang panalo sa kanilang best-of-three series.
Kumana si Pare ng kabuuang 16 puntos, sa kabila nang palitang depensa nina CdSL import Soulemane Chabi Yo at Jon Gabriel sa kabuuan ng final period.
Dumiskarte si Pare sa sandaling ma-fouled out si reigning NAASCU MVP Aris Dionisio. Naisalpak ni Jan Formento ang lay-up mula sa fast break play para maitabla ang iskor sa 67-all.
Sumablay si Formento sa dalawang free throw para sa Griffins na sinuklian naman ng anim na sunod na puntos ng Saints para makalayo sa 73-67 may 1:38 sa laro.
Tumapos si Dionisio na may 17 puntos at 14 rebounds. Nag-ambag sina Junjie Hallare ng 14 puntos, Irven Palencia na may 13 puntos at Paeng Rebugio na kumana ng 11 sa Saints, nagwagi rin sa game One, 77-74.
Nanguna si Chabi Yo sa CdSL sa naiskor na 32 puntos, 16 rebounds at apat na blocks.
Mas magaan naman ang naging panalo ng De Ocampo, sa pangunguna nina Dahrrel Caranguian, Jhonard Clarito at Igi Boy Sabasaje na kumubra ng pinagsamang 47 puntos.
Nanguna si Luke Parcero sa Doves sa natipang16 puntos.
Iskor:
(Unang Laro)
De Ocampo (81) -- Caranguian 22, Clarito 15, Sabasaje 10, Fabro 9, Atabay 8, Dela Cruz 6, Wenceslao 3, Ramos 3, Manalang 3, Gallardo 2, Cañeles 0.
St. Francis (65) -- Parcero 16, Lanoy 14, Tolosa 12, Chu 8, Cruz 6, Cenita 5, Larotin 2, Ramos 2, Madrid 0
Quarterscores: 16-14, 44-33, 71-49, 81-65
(Ikalawang Laro)
St. Clare (78)-- Dionisio 17, Pare 16, Hallare 14, Palencia 13, Rebugio 10, Alcober 6, Rubio 2, Mendoza 0, Fuentes 0, Puspus 0.
CdSL (70) -- Chabi Yo 32, Gabriel 10, Callano 8, Formento 8, Rojas 4, Laman 3, Alvarado 2, Baldevia 2, Sablan 1, Vargas 0.
Quarterscores: 14-23, 38-44, 51-51, 78-70