RIO DE JANEIRO (AP) — Dinakip ang pangulo ng Brazilian Olympic Committee nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) bunsod nang umano’y panunuhol upang maibigay sa Rio de Janeiro ang hosting rights sa 2016 Olympics.

Isinailalim sa police proceedings si Carlos Nuzman, honorary International Olympic Committee (IOC) member, habang gumugulong ang imbestigasyon ng Brazilian at French authorities. Anila, siya ang pasimuno sa panunuhol ng US$2 milyon kay Lamine Diack, dating IOC member mula sa Senegal para makakutsaba niya sa pamimili ng boto sa mga IOC member nitong 2009.

Ayon sa Brazilian authorities, ang naganap na vote-buyin ay bahagi ng pagkilos ng “criminal organization,” na pinamumunuan ni Sergio Cabral, dating Gov. ng Rio de Janeiro na kasalukuyang nakapiit bunsod ng kasong korapsyon.

Ang pagkakasiguro ng Rio para sa Olympic hosting ay bahagi lamang ng programa ng sindikato upang makuha ang malalaking kontrata sa infrastructure at paggawa na nagkakahalaga ng milyon-milyong kontrata na ipinagkaloob sa mga malalapit na kaibigan at kaalyado ni Nuzman.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“He clearly acted to obstruct the investigation,” pahayag ng pulisya.

Kasama ring inaresto si Leonardo Gryner, director-general ng operations ng organizing committee.

Sinabi rin ng imbestigador na nakuha nila ang susi ng vault na pinaniniwalaang naglalaman ng ginto sa Switzerland bank.

“While Olympic medalists chased their dreams of gold medals, leaders of the Brazilian Olympic Committee stashed their gold in Switzerland,” sambit ni prosecutor Fabiana Schenider.