Ni NITZ MIRALLES

MAGKAIBA ang version na lumabas sa pagkakatigil ng shooting ng The Significant Other dahil sa pagkakasakitan sa sampalan scene nina Lovi Poe at Erich Gonzales na kinunan sa Marco Polo Hotel Ortigas.

LOVI AT ERICH copy

Ang unang version, sa report ni Ahwel Paz, nauwi sa totohanan ang sampalan ng dalawa, nasugatan si Erich na manginig ito sa takot nang makitang duguan ang kamay na nahiwa sa hikaw ni Lovi.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Namaga naman ang leeg ni Lovi kaya itinigil muna ni Joel Lamangan ang shooting.

Nag-sorry raw si Lovi bago tumalikod at naiwan si Erich na umiiyak at nanginginig.

Sa version naman ni Rodel Fernando, si Lovi ang umiyak dahil sa malakas na pagsampal sa kanya ni Erich, tinamaan ang buto at panga ng aktres. Hindi raw nasunod ang usapan na hindi tototohanin ang pagsampal ni Erich.

Dahil sa magkaibang version na lumabas sa nangyari sa shooting, may nag-akala tuloy na baka gimik lang para sa promo ang nangyari. Pero matagal pa yata ang shooting ng pelikula ng Cineko Productions.

Anyway, heto ang karugtong ng report ni Ahwel Paz: “It’s a wrap and it’s sarap to see Erich Gonzales and Lovi Poe hugged after an intense scene. Our shooting was put into temporary halt after an incident I previously shared.

Nagulat ang lahat at natunganga sa makatotohanang sampalan na ikinasugat pa ni Erich sa daliri at ang pamamaga ng leeg ni Lovi. Our shooting resumed and ended well. Thank you to Tom Rodriguez for comforting the girls and to the supportive cast, talents and production staff. At the end, Erich clarified that there’s no war and issue at all.”

Wala pang pahayag sina Lovi at Erich tungkol sa isyu dahil hindi pa sila nai-interview. Hintayin natin kung ano ang sasabihin ng dalawa sa lumaking isyu sa kanilang sampalan sa pelikula.