Ni: Reggee Bonoan

MUKHANG hindi na magkakaroon ng follow-up movie ang aktres na nagmamaldita sa set dahil agad na itong nakarating sa movie producer na sumugal sa kanya.

Hindi nagustuhan ng taga-production ang topak ng aktres dahil pati mga kasama niyang senior stars sa pelikula ay binabalewala niya.

Palibhasa bagets pa ang aktres kaya ito ang palaging iniintindi ng mga kasama sa set, pero ang mga taga-production ang hindi na kayang umintindi sa kanya kaya nagsumbong na sa producer na hindi kumibo pero kaagad nang ipinatatapos ang pelikula.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang aktres ang bida sa pelikula at pasalamat nga raw siya na sinuportahan siya ng senior stars dahil hindi pa niya kayang magdala ng pelikula, ‘tapos nagmamaganda na.

Sabi namin sa nagkuwentong taga-production, ‘Ang alam namin mabait siya.’

“Depende po sa taong kaharap, kasi kapag wala siya sa mood kitang-kita, hindi niya kayang kontrolin talagang ipapakita niyang topak siya. Ayaw din niyang sumabay sa pagkain kasama ang ibang cast. Kesyo busog o kaya may kausap siya sa phone. Siyempre po ‘yung ibang cast nagtataka na baka ayaw sila kasabay ni _____(aktres).

“Kaya itong pelikula kapag natapos walang nabuong magandang samahan, walang bonding, walang memorable moments, except sa kanya siguro,” kuwento ng production staff ng pelikula ng aktres.