Sinabi ni Senate finance committee chief Senator Loren Legarda kahapon na masyado pang maaga para sabihin na ang panukalang P3.767-trilyon pambansang budget para sa 2018 ng administrasyong Duterte ay tadtad ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o ng tinatawag na ‘pork barrel system.’
Ngunit tiniyak ni Legarda na handa siyang repasuhin ang general appropriations bill kung mayroon sa kanyang mga kasamahan na makakapagtukoy na isiningit ito sa mga probisyon ng panukalang budget sa plenary debate.
“I’m sure this would be brought up on the (Senate) floor, and we will be happy to be able to identify so we can get rid of ‘pork’ and we can transfer the funds as soon as possible to those who would need additional fund,” ani Legarda sa panayam ng Radio DZBB.
Naunang sinabi ni Sen. Panfilo Lacson na ilang congressmen ang nakakuha ng P5 bilyon pork barrel noong 2017 national budget, habang ang ilan ay P6 bilyon. Ilang senador ang nakakuha rin ng tinatayang P300-milyon. - Hannah L. Torregoza