Hihilingin ng Civil Service Commission (CSC) ang tulong ng Office of the Ombudsman sa paghabol sa mga opisyal ng pamahalaan na lumalabag sa patakaran na ‘wag makipag-ugnayan sa mga kumpanya ng tabako para maiwasan ang korupsiyon.

Sinabi ni CSC Assistant Commissioner Ariel Ronquillo, kung wala ang tulong ng anti-graft agency ay hindi nila maisasakatuparan na maparusahan ang mga tiwaling opisyal at empleyado ng kanilang ahensya.

Sa ilalim ng Joint Memorandum Circular No.2010-01 ng CSC, Department of Health at ng lahat ng opisyal at empleyado ng pamahalaan, hindi pinapayagang makisalamuha ang mga taong gobyerno sa mga organisasyon at indibidwal na nagtatrabaho sa tobacco industry, gayundin ang tumanggap ng donasyon, sponsorship at partnership mula sa naturang industriya. - Rommel P. Tabbad
Pelikula

Hello, Love, Again natalbugan ang Rewind; netizens, nag-aaway sino bumitbit ng pelikula