NADUGTUNGAN ang tagumpay ni Dines Dumaan sa international competition nang makopo ang gintong medalya sa 3rd Asian Pencak Silat Championship nitong Biyernes sa Chungju City, South Korea.

Ginapi ni Dumaan ang Singaporean na karibal sa 45-50kg Class A tanding final ng kompetisyon na bahagi ng World Martial Arts Festival.

Kamakailan sa 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, napagwagihan ni Dumaan ang gintong medalya – kauna-unahan sa sports para sa bansa sa nakalipas na 12 taon.

Nagwagi naman ng silver medal sina Jelly Joy Huinda at Alvin Campos , habang nakabronze sina Juanillio Ballesta II, Solomon Eluna, Yale Alanano, James El Mayagma, Juryll Del Rosario, Naseef Jshmael, Precious Jade Borre, Jherica Amodia, at Trisha Marie Leda.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!