Mapua Cardinals, nakaisa sa NCAA men's basketball

SINIGURO ng Mapua Cardinals na hindi magiging kahiya-hiya ang kanilang katayuan sa NCAA Season 93 seniors basketball tournament.

Sibak man sa Final Four, punong-puno ng determinasyon para maisalba ang dangal ang Cardinals para daigin ang College of St. Benilde, 79-69, kahapon sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Tinuldukan ang Cardinals ang 11-game losing skid at nasigurong matatapos ang kampanya na hindi bokya.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Pinangunahan nina Laurenz Victoria at Denniel Aguirre ang matikas na opensa ng Cardinals sa pinagsamang 15 puntos sa final period para maiganti ang kabiguang natamo sa Blazers, 74-69, sa first round ng elimination.

Kumana si Victoria nang magkasunod na basket sa fast break para basagin ang huling pagtabla sa 69-all at kunin ang apat na puntos na bentahe sa Mapua may 1:25 ang nalalabi.

“What can I say, it’s been a long time ... basta we keep on practicing and we still do our system, we run, kasi yun ang sistema kasi we are small, we run,” pahayag ni Mapua coach Atoy Co.

“I made a good decision today, I just stayed to seven or six players playing, and luckily, nag-produce sila,” aniya.

Nanguna sa Cardinals si Victoria sa nakubrang 19 puntos at pitong assists, habang kumana si Aguirre ng 15 puntos at

tumipa sina JP Nieles, Leo Gabo at Cedric Pelayo ng tig-11 puntos.

Kumana si Clement Leutcheu ng 18 puntos at siyam na rebound sa Blazers.

Iskor:

Mapua (79) - Victoria 19, Aguirre 15, Gabo 11, Nieles 11, Pelayo 11, Buñag 6, Estrella 3, Orquina 2, Raflores 1.

St. Benilde (69) - Leutcheu 18, Naboa 12, San Juan 11, Domingo 6, Dixon 5, Belgica 4, Johnson 4, Pili 3, Castor 2, Sta. Maria 2, Mercado 2.

Quarterscores: 20-17; 37-42; 53-55; 79-69.