Ni: Nora Calderon

NAPAPANGITI na lang si Direk Laurice Guillen na kahit siya ay naba-bash ng netizens na sumusubaybay sa Ika-6 Na Utos.

Ang ikinagagalit nila, bakit daw laging hindi nalalaman ang mga kasamaang ginagawa nina Georgia (Ryza Cenon) at Geneva (Angelika dela Cruz), at laging nakakaiwas ang mga ito kahit halos nandoon na at malalaman na nina Emma (Sunshine Dizon) at Rome (Gabby Concepcion) ang katotohanan?

lauricE- copy

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya

Ayon kay Direk Laurice, may mga nakakausap siya na excited malaman ang susunod na gagawin ni Emma para malaman kung nasaan ang anak na si Milan nang malaman na buhay pa ito, ayon sa sulat na iniwan ni Angelo (Mike Tan) bago ito namatay. Natutuwa rin sila kahit laging may cat fight sina Emma at Georgia tuwing nagkikita. Iyon daw yata talaga ang gusto ng viewers.

Balitang may susunod na mawawala sa cast after Mike Tan kaya may pahulaan ngayon ang netizens kung sino ito -- si Flor (Rich Asuncion) ba dahil siya ang nagsiwalat ng lihim ni Georgia, si Loleng (Odette Khan) na anytime ay puwedeng magbalik ang alaala at maibunyag na niya kung sino si Milan, o si Selma (Airan Bautista) na kasapakat ni Georgia sa pagdukot kay Milan.

Kung hanggang kailan pa mapapanood ang Ika-6 Na Utos, wala pa ring makapagsabi dahil nananatiling mataas ang rating nito.