PAHINGA muna sa aksiyon ang mga namamayani ngayon sa ginanagap na 2017 World Pitmasters Cup (Master Breeders Editon) 9-Stag International Derby habang ang mga pasok sa finals na mga entries ay masusing sinusuri ang kondisyon ng kanilang mga panlaban at muling hinahasa ang mga tari bago ang inaabangan 4-stag finals na magsisimula na bukas sa pagitan ng mga lahok na may 2 – 3.5 puntos mula sa una at ikalawang araw ng semis.
Ang may 2 – 3.5 pointers mula sa 3rd semis na ginanap kahapon ay maghaharap sa Sabado.
Ang Day-2 ng 3-stag semi-finals ay nagtapos na may limang entry na nanatiling may malinis na rekord na may tig-5 puntos upang humalo unang dalawang 5 pointers mula sa unang semis.
May tig-5 puntos sina Charlie Gayoso (CJ); Pipo Soliman/Vic Yap (PS Cong. V.Y. 6-Stag Sept. 26 NCA), Gerald Garcia (GeGar Gamefarm), Jojo Cruz (J & B Kaingin 1 WC), Mayor Amben & Larry Amante (AA/LA Fantastic Oct. 8/4-Stag), Alex Roxas (Paniqui-1/April 17, 2018 5-Cock) at Arthur Atayde (King Arthur), habang si Richard Perez/Dennis Hain (Gemini Riper 2) naman ay nakapagtala ng 4.5 puntos.
Handog nila Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Gov. Eddiebong Plaza & RJ Mea, sa pakikipagtulungan nina Ka Lando Luzong & Eric dela Rosa, ang 10-araw na labanan ay itinataguyod ng Thunderbird Platinum and Resorts World Manila.
Papasok sa finals na may tig-apat na puntos sina Sonny Manalastas/Boy Gamilla (BMJ-SB Man), JB & Ogie (JB), Mayor Goto/Bokal Cholo (Bos Carlo), Honeyboy Perez/Jimmy Junsay/Dennis Reyes/Jonjon Abalos (March 4, 2018 4-Cock sa 4th Gen Arena Jared & Friends), Mayor Goto & Aldo (San Roque Aldo), DC/NU (Thor Mr. Hyde 2), Ricky Magtuto (Ahluck Camsur), John Capinpin (114 RT Jcap 2), Boss Emong Samson/Arturo Suarez/Peter Alsosa (Balete ECO Farm), Jimenez Bro./R. Roxas/CDJ (Team Jacob), Rene Maglayo/Jahy Pableo/John Paul Punzalan/Joemar Palomaria/Gilbert Garcia/Alquin Senindo/PO2 (RMJP/SPO2/www.sabongtambayan.net) at Joeben B. Frias/Michael B. Frias (JBF Axel the Dreamer www.sabongbest.com)
May kapahintulutan ng Games & Amusements Board, sa pamumuno ni Chairman Baham Mitra, ang 2017 World Pitmasters Cup (Master Breeders Edition) 9-Stag International Derby.
Lahat naman ng may iskor na 4,4.5 & 5 puntos ay magtutuos sa ika-24 ng Setyembre para sa kanilang 4-stag grand finals.