Ni: Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(MOA Arena)

3 n.h. -- San Miguel Beer vs KIA Picanto

5:15 n.h. -- Ginebra vs. Rain or Shine

Alex Eala, umariba bilang world no. 29!

TARGET ng Barangay Ginebra na makabalik sa linya ng tagumpay sa pakikipagtuos sa Rain or Shine sa tampok na laro ng double-header sa 2017 PBA Governors Cup elimination ngayon sa MOA Arena sa Pasay City.

Magkukumahog ang Kings na makabangon mula sa nalasap na 103-107 na kabiguan sa kamay ng San Miguel Beer sa pagtutuos nila ng Elasto Painters sa tampok na laro ngayong 5:15 ng hapon.

Mauuna rito, magsasagupa ang Beermen at ang KIA Picanto sa pambungad na laro ganap na 3:00 ng hapon.

Dahil sa natamong kabiguan, isang laro na lamang ang naghihiwalay ngayon sa Kings na patuloy na namumuno taglay ang barahang 7-2, at sa pumapangalawang Meralco na mayroong namang markang 6-2.

Sa kabilang dako, tatangkain naman ng Rain or Shine na kasalukuyang kasalo ng Beermen sa ikalimang posisyon sa team standings ang dugtungan ang kanilang naitalang 112-107 panalo kontra NLEX Road Warriors nitong Miyerkules upang palakasin ang tsansa sa top 4 para sa bentaheng twice-to-beat sa playoff round.

Ganito rin ang target ng Beermen na tulad ng ROS ay hangad na tumabla sa TNT Katropa sa ika-apat na puwesto sa pagtutuos nila ng winless pa ring Kia.