INIHAYAG ng Department of Health (DoH)-Mimaropa (Oriental/Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) na tuloy na ang biyahe ng dalawang air ambulance upang magsilbi sa mga pasyente sa mga liblib na lugar sa rehiyon.

Inihayag ni DoH-Region 4-B Director Dr. Eduardo C. Janairo na nagsimula muling pagsilbihan ng dalawang ambulansiyang panghimpapawid ang mga pasyente sa mga liblib na lugar sa Palawan nitong Agosto 15.

“The Civil Aviation Authority of the Philippines has already issued the Airworthiness Certification, meaning the aircrafts are now in a condition allowing for sale operation. All the needed parts were replaced and the aircrafts were duly inspected and 100% fit to fly,” ani Janairo.

“We now have a new Globe hotline 0917-5531651 for the air ambulance which will be open 24/7 to accommodate text/call of patients needing assistance. The Smart Hotline 0998-5492585 will still remain in effect,” dagdag pa niya.

Sa ilalim ng Republic Act 9497, mayroong awtoridad ang Civil Aviation Authority of the Philippines na mamahala sa transportasyon sa bansa upang masiguro ang seguridad, kalidad at pagiging maaasahan ng mga serbisyo ng transportasyong panghimpapawid para sa publiko.

Sinabi ni Janairo na ang mga ambulansiyang panghimpapawid ng DoH-Mimaropa ay bumibiyahe ng dalawa hanggang tatlong beses kada araw.

Mayroon na ngayong 99 na pasyente na naibiyahe ng mga air ambulance mula Pebrero hanggang Hulyo ngayong taon.

Ilan sa mga regular na pasyente ay mula sa mga isla ng Cuyo, Magsaysay, Balabac at Brooke’s Point sa Palawan. Maging ang mga pasyente mula sa kalapit na lugar gaya ng Zamboanga at Tawi-tawi ay nadala rin sa pinakamalapit na health facility sa Palawan.

“We are also expecting a plane donation, a Cessna 182Q aircraft from a non-government international organization based the United States, that may also be used in transporting emergency patients from Mimaropa,” aniya.

“And if there are good Samaritans out there who could lend usa a sea plane that can be used to transport patients in island barangays where there are no possible air-strip or airfield to land, we will be very pleased to accommodate,” dagdag pa niya.