JONA SARAH POPS REGINE MICHAEL AT LEA

TAUN-TAONG ipinagdiriwang ng GabayGuro Foundation ng PLDT ang kanilang achievements sa pamamagitan ng Grand Gathering spectacle na laging naghahatid ng inspirasyon sa kanilang 20,000 miyembro upang humarap sa mas malalaking paghamon sa larangan ng edukasyon.

Sa pamamagitan nito ay nakararanas ng kaukulang pagpapahalaga at nararapat na pagkilala ang ating mga guro – ang mga bagong bayani sa ating bayan – sa pamamagitan ng world-class entertainment at malalaking papremyo na babago sa kanila buhay. Sa pagdiriwang ng kanilang isang dekadang dedikasyon at pasasalamat, mas malaking kasiyahan ang inihanda ng core team ng GabayGuro Foundation sa pamumuno ng kanilang chairman na si Chaye Cabal-Revilla.

Ayon sa brand advocacy head na si Gary Dujali, ang utak sa likod ng nakamamanghang proyektong ito, sa 10 taon ng GabayGuro ay tumanggap sila ng awards at citations. Ang ilan sa mga prestihiyosong parangal na ito ay ipinagkaloob ng Gawad Tanglaw, dalawang Anvil Awards noong 2016, at isa mula sa Philippine Association of National Advertisers (PANA), at Philippine Quill Awards .

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Ngayong taon, ipagdiriwang ng GabayGuro ang mga natamo nito sa loob ng siyam na taon sa pamamagitan ng Grand Gathering sa Seteyembre 17 sa the Mall of Asia Arena. Mapapanood sa explosive celebration ang pinakamalalaking artista at performers upang magbigay ng world-class performances para sa mga guro. Muling magkakaroon ng pagkakataong manalo sa raffle draw ang sinuman sa mga dadalong guro ng house and lot, mga sasakyan, livelihood opportunities, gadgets at cash prizes, at maraming iba pa.

Nakatakdang magtanghal sina Lea Salonga, Regine Velasquez, Jona, Michael Pangilinan, Pops Fernandez, Ogie Alcasid, Martin Nievera, Gary Valenciano, Jaya, Sarah Geronimo, PiaWurtzbach, MJ Lastimosa, Andrew Wolfe, Michael Pangilinan, Marian Rivera, Southborder, Jay-R, Luke Mejares, Jinky Vidal, Medwin Marfil, UP Pep Squad, G-Force, at marami pang surprise big stars.

Ang sponsors sa event ngayong taon ay ang Ayala Land, Foton, PR Savings Bank, Motorlandia Philippines, Honda Motorcycle, Suzuki Motorcycle, Yamaha Motorcycle, Devant, Myphone, Telescoop, PECCA, First United Travel Inc., Enchanted Kingdom, Penshoppe, Filstar, Fly Ace, Taisho, PLDT, Smart, Sun at TNT.

Ang GabayGuro ay mayroong mahigit 1,200 scholars sa iba’t ibang state colleges and universities nationwide. Mayroon silang mahigit 300 LET passers, 496 active scholars, at projected na 167 graduates sa 2017. Ipinagdiriwang din ng GabayGuro ang 137 scholars na nagsipagtapos with honors – 112 cum laude at 25 magna cum laude. Nakikipagtulungan din ang GabayGuro sa local government units upang maisulong ang edukasyon ng mga titser.

Nakapagsagawa na ng trainings para sa mahigit na 16,000 teachers ang foundation. Sa ngayon, walong training programs para sa teachers ang isinasagawa nito sa buong bansa tulad ng: Teacher’s Treasure Chest; English Proficiency Training; Computer Literacy; Emotional Intelligence; Teacher’s Armor; Leadership Training; IT Sustainability and Literacy; and Unleashing Creativity in Teaching. Ang GabayGuro ay tumutugon din sa mga pangangailangan ng panahon sa pagsasagawa ng grassroots anti-drugs trainings sa mga paaralan.

Isinusulong din ng GabayGuro ang Broadband and Computerization sa mga eskuwelahan. Lahat ng partner-schools ay recipient ng computers/laptop o internet connections mula sa PLDT o Smart.

Kapag may kakulangan ng educational facilities sa mga lugar na nakaranas ng kalamidad, nangunguna ang GabayGuro sa pagpapatayo ng classrooms. Mahigit 40 na silid-aralan na ang naipatayo nito sa Cebu, Bohol, Leyte at Capiz.

“Our nation’s children depend on our nation’s teachers to lead them to the future. And this teachers’ month, GabayGuro gives tribute to those who teach the next generation of nation-builders,” ayon kay Ms. Chaye.

Ang PLDT GabayGuro grand tribute event ay eksklusibo lamang para sa mga guro. Ang gates ng MOA Arena ay magbubukas ng 12 ng tanghali. Libre ang admission. Ang kinakailangan lamang nila ay i-lik ang GabayGuro sa www.facebook.com/gabayguro.

Para sa iba pang detalye, maaaring bisitahin ang GabayGuro official website www.gabayguro.com, at sundan sila sa Twitter at Instagram sa @PLDTGabayGuro.