Ni: Brian Yalung

Isyu sa African players, kinondena ni Mbala.

WALANG duda, nagkakaisa ang lahat na ang defending champion De La Salle University Green Archers ang ‘team-to-beat’ sa 80th season ng Universities Athletic Association of the Philippines (UAAP).

La Salle's Ben Mbala drives the ball against FEU's Prince Orizu during the UAAP match at MOA Arena in Pasay, November 12, 2016 (Rio Leonelle Deluvio)
La Salle's Ben Mbala drives the ball against FEU's Prince Orizu during the UAAP match at MOA Arena in Pasay, November 12, 2016 (Rio Leonelle Deluvio)

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

At malaking dahilan ay ang presensiya ni “Big Ben” Mbala.

Ngunit, may pagkakataon ang mga karibal na makaisa sa La Salle kahit sa unang dalawang iskedyul ng Green Archers.

Hindi makakalaro si Mbala sa unang linggo ng UAAP war. Bahagi ang 6-foot-10 Cameronian sa National Team na sasabak sa 2017 FIBA Afrobasket league sa Sept. 8-16.

Nakatakdang magsimula ang UAAP sa Sabado sa MOA Arena.

Hindi makakalaro si Mbala sa opening game ng La Salle kontra Far Eastern University sa September 10, gayundin kontra sa National University sa September 16. Sa kabila nito, kumpiyansa si Mbala sa kanyang mga kasangga.

“Yeah I think they (DLSU) will be able to handle the situation despite me being away,” pahayag ni Mbala.

Iginiit ni Mbala na mas naging ‘deadly’ ang kanyang opensa dahil sa presensiya nang malalaking teammates sa La Salle.

“My outside shot will be definitely better because here I am playing the 3 and 4. I have the green light to take 3s and play the perimeter,” aniya.

Ngunit, tumataas ang posibilidad na maagaw ang playing days ni Mbala sa National Team kumpara sa La Salle, subalit iginiit niyang nais niyang makatapos ng pag-aaral.

“For now I am still playing to finish my studies. After that, I will have to sit and check all the options offered to me,” aniya.

Subalit, sa kanyang pagbabalik sa UAAP, kailangan niyang maghanda ng mabuti para makasabay sa mga matitikas na karibal, sa kabila ng pagkawala ng pambato ng National University na si Alfred Aroga na lumaro sa kanyang huling season sa nakalipas na taon.

Sa isyu nang malawakang recruitment sa collegiate league ng mga African players na mariing kinondena ni Gilas Pilipinas coach Jong Uichico, nanindigan si Mbala na hindi ito makatwiran.

“First of all, we are student not imports. It’s not a pro league. Second, a team is composed of 15 or more players.

If giving a chance to give good quality education to a foreign player is a bad, then I don’t know what to say,” sambit ni Mbala.

“And finally, what if Filipinos playing abroad were to receive the same treatment. Would it be a big deal? Rather than look for excuses on why locals are not playing well, they should focus on how to make them play better.

Competing against bigger, stronger and more athletic players should make them better, not lazier,” paninindigan ng last season UAAP MVP.