NI: Leandro Alborote

VICTORIA, Tarlac – Dahil matagal na panahon nang binisita ng may-ari, hinakot ng mga hindi nakilalang kawatan ang home appliances at isang motorsiklo sa isang bahay sa Barangay San Fernando sa Victoria, Tarlac, nitong Biyernes ng hapon.

Sa imbestigasyon ni PO3 Sonny Abalos, natangay mula sa bahay ni Flordeliza Unlayao, 79, ng Quezon City, ang TV transformer, apat na electric fan, isang gas tank, motor refrigerator, iba’t ibang kitchen utensils, portable Promac karaoke, at isang Yamaha scooter, na tinatayang aabot sa P25,000 ang kabuuang halaga.

Nabatid na 2008 pa hindi tinitirahan ni Unlayao ang kanyang bahay sa Bgy. San Fernando simula nang manirahan sa Quezon City.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog