Ni NITZ MIRALLES

MADALIAN naming nakausap si Arnold Vegafria at kinumpirma niyang siya na ang manager ni Kris Aquino ngayon pagdating sa TV matters. Sila naman ni Boy Abunda ang nagtutulong bilang manager pagdating sa offers na endorsement. Kaya present si Arnold nang mag-meeting sina Kris at Willie Revillame para sa posibleng pagbabalik sa telebisyon ng bago niyang alaga.

KRIS copy copy

Nilinaw ni Arnold na hindi sa Wowowin papasok si Kris, kaya mali ang inakala ng marami na magiging co-host siya ni Willie sa nasabing show. Ibang show ang pinag-usapan ng dalawa, iba ang concept, pero sila ang hosts.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa tanong namin kung nakipag-usap na si Kris sa management ng GMA-7 tungkol sa pagkakaroon niya ng show sa network, “Si Willie ang nakikipag-usap sa management. Siya rin kasi ang producer ng magiging show nila ni Kris. May next meeting (pa) sina Willie at Kris next week, malalaman natin ang update,” sabi ni Arnold.

Samantala, sa latest post ni Kris sa Instagram (IG), nagpapagaling siya sa sakit pagkagaling sa Cebu. “I’ve been bedridden & recuperating from a bad cough & body aches.”

Sigurado namang sa second meeting nila next week ni Willie, magaling na si Kris at babalitaan din niya tayo sa update.