Ni TARA YAP

ILOILO CITY – Bagamat paulit-ulit na inaakusahang drug protector, sinabi ni Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog na hindi siya magbibitiw sa puwesto.

Iloilo City MayorJed Patrick Mabilog
Iloilo City MayorJed Patrick Mabilog

“It’s very easy for me to resign so that our city will be peaceful. But I have the mandate of the Ilonggos to serve as mayor until 2019 and I will stay,” sabi ni Mabilog.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Hindi natitinag ang alkalde kahit pa mismong si Pangulong Duterte ang nagtalaga kay Chief Insp. Jovie Espenido para pamunuan ang Iloilo City Police Office (ICPO).

Si Espenido ang hepe ng Albuera Police sa Leyte nang mapatay sa loob ng selda si Mayor Rolando Espinosa, Sr.. Ozamiz City Police chief naman si Espenido nang mapatay sa isang raid ang alkalde sa siyudad na si Reynaldo Parojinog, Sr.

Kapwa iniugnay ni Pangulong Duterte sina Espinosa at Parojinog sa ilegal na droga sa kani-kanilang lungsod.

“One thing I am quite sure of—with God as my witness—I have never protected anyone, especially in illegal drugs,” giit ni Mabilog.

Sinabi ni Mabilog na masama ang kanyang loob na muli siyang nasi-single out ni Duterte, kahit pa mismong ang Pangulo ang naghayag nitong Agosto 21 na nanamlay na ang bentahan ng droga sa Iloilo City.

Kaugnay nito, inilipat na ng puwesto si ICPO director Senior Supt. Remus Zacharias Canieso nitong Martes, at itinalaga na bilang hepe ng Directorial Staff ng Police Regional Office (PRO)-6.

Kasabay nito, kinumpirma ni Supt. Gilbert Gorero, tagapagsalita ng PRO-6, na na-relieve na rin si Espenido mula sa PRO-10 at inilipat na sa PRO-6 sa Iloilo City.