Ni: Leonel M. Abasola at Vanne Elaine P. Terrazola

Ipinagpaliban kahapon ang kumpirmasyon ni Agrarian Reform Secretary Rafael “Ka Paeng” Mariano sa susunod na Linggo matapos na maghain ng suspensiyon si Senator Gregorio Honsan sa Commission on Appointment (CA).

Department of Agrarian Reform Rafael Mariano appears in Senate for his ad interim appointment in Pasay City on Wednesday. (JAY GANZON)
Department of Agrarian Reform Rafael Mariano appears in Senate for his ad interim appointment in Pasay City on Wednesday. (JAY GANZON)

Ayon kay Honasan, sampu ang oppositor at isa pa lamang ang kanilang natatalakay kaya kapos sila sa oras. Labing-siyam na grupo naman ang nag-endorso kay Mariano.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“I speak for myself, I am going through an information overload, we have only tackled the first oppositor and we are bombarded by issues that are difficult to resolve unless we have the benefit of the time to process this information,” ayon kay Honasan. Sinabi naman ni Senate Majority Floor Leader Vicente Sotto, chairman ng CA Committee on Agrarian Reform, na nais ng mga kasapi ng komite ng mas diretsong sagot mula kay Mariano sa pagtalakay nila sa ad interim appointment nito.

“’Yung mga kasama namin na kaliwa’t kanan, may sinasabi sila. Hinihintay nila ‘yung direct na sagot. For example, anong payo ‘yung maibibigay n’yo sa mga gumagawa ng ganun (trespassing), pinapasok ‘yung—hinihintay nilang sagot ay ‘yung tatayuan natin ‘yung ‘wag lumabag sa batas,” paliwanag ni Sotto.

Sinabi ni Maria Teresa Gallego, anak ng may-ari ng lupa na si Manuel Gallego, Jr., na sangkot umano si Mariano sa trespassing ng nasa 250 armadong militante na magsasaka sa kanilang rantso sa Nueva Ecija noong Oktubre 2016.

Nangako naman si Mariano na sisilipin ang mga detalye sa insidente, at sinabing inutusan na niya ang DAR na magsagawa ng imbestigasyon.