KUALA LUMPUR – Naisaayos ng Indonesia ang gold-medal match kontra sa Gilas Pilipinas nang gapiin ang Thailand, 79-74,nitong Biyernes sa 29th Southeast Asian Games men’s basketball tournament sa MABA Stadium.

Nanguna si Mario Wuysang sa natipang 15 puntos, habang kumana si Arki Wisnu ng 13 puntos para matupad ang inaasam na makabawi sa Pinoy squad na gumapi sa kanila sa SEABA championship.

Ginapi ng Gilas, kinabibilangan ni naturalized player Andrew Blatche,a ng Indonesoia, 97-64, sa SEABA nitong Mayo.

DepEd Sec. Angara na-starstruck kay EJ Obiena: 'We are proud of you!'