Ni: Mary Ann Santiago

Nananawagan si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada sa mga Manilenyo na isumbong kaagad sa People’s Law Enforcement Board (PLEB) ang mga abusadong tauhan ng Manila Police District (MPD).

Ayon kay Estrada, may maayos na PLEB ang pamahalaang lungsod sa pangunguna ng kilalang anti-crime advocate na si Teresita Ang See, na nagsisilbing executive chairwoman nito.

“We are fortunate to have Madam Teresita in our PLEB. With her, we are assured of fair and speedy resolution of all complaints filed against erring law enforcers,” ani Estrada. “Next time you’ve encountered an abusive cop, file a complaint before the board.”

Musika at Kanta

Wolfgang, binuburaot ng Ivory, Vicor Music?

Nabatid na may PLEB sa lahat ng anim na distrito ng lungsod, at ang punong tanggapan nito ay nasa ikalimang palapag ng city hall.