Ni NORA CALDERON

NASA huling apat na linggo na lang ang Mulawin vs Ravena, kaya maraming followers nito ang nagtatanong kung babalik pa ang characters ng mag-inang diyosa, sina Sandawa (Regine Velasquez-Alcasid), immortal goddess na tagapangalaga ng kalikasan at ng kabundukan ng Mt. Apo at si Magindara (Lovi Poe) na tagapangalaga naman ng karagatan.

LOVI copy

Matagal nang wala si Magindara na sa kuwento ay nagtampo sa ina kaya iniwan ito. Sa pagtulong naman ni Sandawa sa mga Mulawin, nagkaroon siya ng karamdaman at matagal nang natutulog. Nakabantay sa kanya ang puno ng Mulawin kaya kahit ano ang gawin ng mga kaaway niya, hindi nila magawang lapitan at tuluyan nang patayin. Kung kailan siya magigising, hindi alam ng mga nagmamahal sa kanya, lalo ngayon na nanganganib ang Mulawin na maagaw ng mga Ravena ang paghahari.

Mga Pagdiriwang

Isang Sabado Kada Buwan, Pamaskong Handog ng Konsulado sa Geneva

Pero sa episode nitong nakaraang Miyerkules, natupad ang hiling ng televiewers, muling lumabas si Magindara na nalungkot nang husto nang makitang tulog pa ang ina. Umiiyak habang nagdarasal sa puno ng Mulawin, kung iyon daw ba ang kapalit ng pagmamahal ng kanyang ina sa pangangalaga sa kalikasan at pagtulong sa mga Mulawin?

May magagawa kaya ang kapangyarihan ni Magindara para matulungan ang mga Mulawin at hindi maangkin sina Gabriel (Dennis Trillo), Anya (Bea Binene), at maibalik sa pagiging tao si Almiro (Derrick Monasterio) na ginawang bato ni Rafael (Kiko Estrada)?

Wish ng viewers sa pamamagitan ng mga post nila sa social media, muling makapag-taping si Regine ng Mulawin vs Ravena bago ito matapos dahil matagal pa raw naman ang R3.0 concert, sa October 31 pa, sa Mall of Asia Arena to celebrate her 30th year in showbiz.

Samantala, nang mainterbyu si Lovi ng “Chika Minute” ng 24 Oras sa premiere night ng Woke Up Like This ng Regal Films (na tumatabo ngayon sa takilya), aniya’y tatapusin lang niya ang commitment niya sa Mulawin vs Ravena at saka siya magbabakasyon. Pupunta siya ng Paris at doon na sila magkikita ng French boyfriend na si Chris Johnson. Mula roon, lilibutin nila ang iba’t ibang lugar sa France na hindi pa niya napupuntahan.

Sasamantalahin daw muna niya ang panahon na wala pa siyang bagong teleseryeng gagawin sa GMA Network para magbakasyon dahil nagkasunud-sunod nga ang kanyang mga trabaho nitong mga nakaraang buwan.