NI: Mina Navarro

Ihahayag ngayong Martes ng seven-man member ng wage board ang halaga ng umento para sa nasa anim na milyong minimum wage earner sa Metro Manila.

Inaasahang magpupulong ngayon at ihahayag ng mga miyembro ng wage board kung magkano ang idadagdag sa arawang sahod base sa umentong ipinetisyon ng mga labor group kaugnay ng kasalukuyang P491 sahod kada araw.

Iniharap ng Associated Labor Unions (ALU) noong Hunyo 6 ang isa sa mga petisyon para sa P184 wage increase upang ibalik ang tunay na halaga ng P491, na nagbawas ng 27% noong Mayo 2017.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Una nang tinanggihan ng ALU ang P16 umento na inialok ng wage board upang mapagbigyan ang P184 na petisyon ng grupo.

Base sa record ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at National Wages and Productivity Commission (NWPC) noong Mayo 25, makikita na ang purchasing power ng P491 ay P357 lamang.

Noong 2015 ay naglabas ang Family Income and Expenditures Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) ng tala na P302.13 ang kinakailangang halaga ng isang pamilyang may limang miyembro kada araw upang maiwasan ang kahirapan.