ni Marivic Awitan

MAGPAHANGANG ngayon, hindi pa rin makaporma ang senior top gunner ng Jose Rizal University na si Teytey Teodoro.

Kung noo’y nakagagawa siya ng average 15.6 puntos o 38 percent shooting kada laro, ngayon, malambot ang kampanya ni Teytey.

JRU's Teytey Teodoro tries to pass the ball against Lyceum's Spencer Pretta (left) and Jesper Ayaay during the NCAA match at Filoil Flying V Centre in San Juan, July 11, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)“Actually he’s struggling,” pag -amin ni Heavy Bombers coach Vergel Meneses pagkatapos ng kanilang 81-53 panalo sa Saint Benilde . “[Kailangan] Bigyan ko ng chance yung iba.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Dahil sa mababang nilalaro ni Teodoro, nagkaroon ng tsansa ang iba niyang mga kasangga tulad nina Ervin Grospe, Jed Mendoza at Abdul Sawat na makatulong upang maipanalo ang koponan at umangat sa markang 4-3.

Kaugnay nito, umaasa si Meneses na magagawa ni Teodoro na magsilbing facilitator ng kanilang opensa gaya ng nakaraang taong assist leader na si Jiovani Jalalon.

“Sabi ko nga sa kanya, kailangan ma-adapt niya kung ano yung para sa team kasi kailangan niya yung mga teammates niya to open up for him,” sambit ngh dating PBA star.

“Every time na siya lang yung bola, tapos wala ng kumpyansa yung kasama, mahihirapan kami. He should play na parang involve mga teammate niya kumbaga para bang Jalalon-maging facilitator siya. Make his teammates involved, “ dagdag nito.

Ayon pa kay Meneses, ginagawa niya ito hindi lamang para sa ikabubuti ng team kundi nais din nyang tulungan si Teodoro at maihanda ito para sa ambisyon nyang makatuntong ng PBA.