Ni: Lyka Manalo

LEMERY, Batangas – Sugatan ang isang pulis na poseur buyer ng marijuana sa buy-bust matapos siyang mabaril ng isa sa magkapatid na drug suspect sa Lemery, Batangas, nitong Sabado ng gabi.

Ayon kay Batangas Police Provincial Office (BPPO) director Senior Supt. Randy Peralta, tinamaan sa ibabang bahagi ng dibdib si PO3 Jeffrey Luce, na isinugod sa Our Lady of Caysasay Hospital.

Bandang 8:45 ng gabi nang magsagawa ng operasyon ang Drugs Enforcement Unit (DEU) ng Lemery Police, na pinangunahan ni Insp. Jayson Aguilar, sa Barangay District III.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Inaresto umano si Carlo Hernandez habang iniaabot kay PO3 Luce ang sachet ng hinihinalang marijuana, subalit nang makita ito ng kapatid na si Jesus Hernandez ay binaril umano nito ang pulis.

Kapwa naaresto ang magkapatid at kasalukuyang nasa kustodiya na ng Lemery Police.