Nagsama-sama kahapon ang mga tauhan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa Pre-Disaster Risk Assessment Meeting, bilang paghahanda sa bagyong ‘Isang’, sa NDRRM Operations Center sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Pinamunuan ni NDRRMC Executive Director at Civil Defense Administrator Undersecretary Ricardo B. Jalad ang pulong na dinaluhan nina Department of Science and Technology (DoST) DRR and Climate Change Undersecretary Renato U. Solidum, Jr., Social Welfare and Development Undersecretary Hope V. Hervilla at ng mga kinatawan mula sa DoST-PAGASA, Department of Interior and Local Government, Department of Health, Office of Civil Defense, Philippine Coast Guard, militar at pulisya.

Ayon sa PAGASA, tuluyan nang naging bagyo ang low pressure area na nasa silangang bahagi ng Batanes at tinawag na Isang.

Sa datos kahapon, namataan ang Isang sa 735 km silangan ng Basco, na may hangin na 55 kph, at may bugso na 65 kph at tumatahak patungpong kanluran hilagang kanluran sa bilis na 19 kph.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Asahan ang madalas na pagbuhos ng ulan na maaaring magdulot ng baha at pagguho ng lupa sa Northern Luzon.

Ayon sa PAGASA, inaasahang tatama ang bagyo sa Batanes Group of Islands ngayong gabi o bukas ng umaga at posibleng lumakas pa sa susunod na 24 -36 na oras.

Inaasahan namang lalabas ng bansa ang Isang sa Miyerkules. - Francis T. Wakefield