Ni: Bella Gamotea at Mary Ann Santiago

Nagpatupad kahapon ng limitadong biyahe ang Light Rail Transit (LRT)-Line 2 matapos sumiklab ang apoy malapit sa Pureza Station, kamakalawa ng gabi.

Sa anunsiyo ng pamunuan ng LRT Authority (LRTA), sinimulan ang provisionary services ng LRT-2, mula Santolan hanggang Cubao stations, at pabalik lamang ang biyahe ng mga tren nito dakong 4:30 ng madaling araw.

Ito ay upang bigyang-daan ang pagkukumpuni ng maintenance team sa nasirang power cables, signaling at telecommunications fiber optics system na idinulot ng sunog, dakong 9:57 ng gabi.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Base sa ulat, natupok ang junction box sa ibabaw ng catenary wire na nagsu-supply ng 1,500 volts DC sa tren.

“The exposed cables were possibly affected by the downpour and lightning that cascaded to the junction box,” base sa abiso.

Nakatakdang maglabas ng panibagong abiso ang LRT para sa pagbabalik ng normal na operasyon ng tren, sa oras na matapos ang pagkukumpuni.