Ni Marivic Awitan

WALA pang opisyal na desisyon si dating De La Salle University standout na si Jeron Teng kung makikibahagi siya sa gaganaping PBA Rookie Drafting.

Ito ang inamin ni Teng kasunod ng di -inaasahang kabiguan ng kanyang koponang Flying V Thunder na umusad sa 2017 PBA D-League Foundation Cup finals.

Pagkatapos magtala ng season-best 11-game winning streak mula elimination round hanggang Game One ng semis, nasilat pa sila ng 4th seed Centro Escolar University para sa huling finals berth.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Dahil dito, laking panghihinayang ni Teng na nagtala ng average na conference-best 22.42 puntos , 5.83 assists at 7.0 rebounds.

“Sayang kasi na-sweep namin yung eliminations. Unfortunately, we fell short in the semis,” ayon kay Teng “Sayang lang dahil alam namin na we could’ve achieved more. “

Sa kabila ng lahat ay nanatili pa rin siyang positibo sa kanyang pananaw. “This experience will help us become better individual players and help us more mature.”

Aminado si Teng na gusto niyang magkamit ng titulo bago sya umakyat sa pro ranks. Ngunit ang planong pagsalta ng PBA ay wala pa aniyang kasiguruhan sa ngayon dahil may pinag -aaralan pa aniya silang ibang options na inilatag ng agent manager na si Danny Espiritu.

Ang tanging siguro lamang aniya sa kasalukuyan ay ang gagawin niyang paghahanda sa “future” ng kanyang basketball career.

“Siguro itong time na meron ako, I’ll work on my individual skills… Yun lang para mas lalo ako ma-prepare .”