TUMABLA si Janelle Mae Frayna kay second seed Grandmaster Alxandre Dgebuadze ng Belgium sa ikasiyam at huling round nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) para umapos sa Top 10 ng Brugse Meesters Chess 2017 sa Brugge, Belgium.

May tsansa si Frayna na maipanalo ang laro, ngunit nakagawa siya ng blunder sa middle game na naging dahilan para maipuersa ng kalaban ang draw, sapat para makasosyo ang Pinay Grandmaster sa six-way tie para sa ikawalong puwesto tangan ang 6.5 puntos.

Matapos ang tiebreak, nakuha ni Frayna ang No.10.

Tinanghal na kampeon si Dutch International Master Lucas Van Foreest na may walong puntos.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ito ang pinakamatikas na kampanya ni Frayna sa European Tour mula nang makamit ang GM title.

“This has been my 5th tournament in Europe and my first time to win a trophy. In the past tourneys, I had some fantastic start but would end up badly placed in the last 2 rounds,” sambit ni Frayna.

“In this tourney, I played against 3 GMs (two draws, one loss) and managed to gain more ELO rating points. It’s just a pity that on my 9th and last round against a Belgian GM, I had a winning position but misplayed it and the game was eventually drawn. Nevertheless, I really learned a great deal here,” aniya.

Natalo naman si GM Jayson Gonzales, coach ni Frayna, sa huling laro kontra Eelke De Boer ng The Netherlands para sa anim na puntos.

Suportado ang kampanya ni Frayna ng Philippine Sports Commission, National Chess Federation of the Philippines, FEU’s Aurelio Montinola, Philippine STAR’s Miguel Belmonte at Edward Go, Senate President Koko Pimentel at Bobby Ang.