SA huli, ang lakas at katatagan ng BaliPure, gayundin ng Pocari Sweat ang nagsilbing agwat para maigupo ang kani-kanilang karibal sa kambal na ‘do-or-die’ game para maisaayos ang championship duel sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference nitong Miyerkules sa The Arena sa San Juan.

Pocari Sweat's Myla Pablo kisses the ball before serving during the Premier Volleyball League Open Conference Semifinals Game 3 against Air Force at Filoil Flying V Centre in San Juan, August 9, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)
Pocari Sweat's Myla Pablo kisses the ball before serving during the Premier Volleyball League Open Conference Semifinals Game 3 against Air Force at Filoil Flying V Centre in San Juan, August 9, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)

Nakaulit ang BaliPure sa Creamline, 25-22, 27-25, 25-23, habang winalis ng Pocari Sweat ang Air Force, 16-25, 20-25, 25-23, 25-19, 15-10, sa magkahiwalay na semifinals duel.

Nakatakda ang Game One ng best-of-three Finals sa Sabado.

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

Nanguna si Jerrili Malabanan sa naiskor na 15 puntos para sa Water Defenders, habang kumana sina Grethcel Soltones at Aiko Urdas ng 13 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod.

“Hindi naman, ‘di ko ineexpect na tatlo (sets lang ang laro). Siyempre, ang expectation ko manalo kami irregardless kung ilang set, manalo, you go to the Finals, yun ang importante sa akin,” sambit ni BaliPure coach Roger Gorayeb.

Naging bentahe rin ng Water Defenders ang hindi paglalaro ni three-time MVP Alyssa Valdez sa Cool Smashers. Bahagi si Valdez ng Philippine Team na kasalukuyang sumasabak sa 19th AVC Asian Senior Women’s Volleyball Championships.

“We do not look at it as wala si Alyssa. We have to play to the best of our ability,” sambit ni Gorayeb, patungkol sa pagkawala ni Valdez.

Nanguna si Pau Soriano sa Creamline, sumirit sa 8-0 karta sa elimination, sa naiskor na 13 puntos.

Ratsada naman si Myla Pablo sa Pocari sa naitarak na 22 puntos.

Sa tema ng laro, simula first set, second set, wala kaming first ball, parang walang gana ang players. Sabi ko, semis na to, wala nang Game 4,” pahayag ni Pocari Sweat coach Rico de Guzman.