Ni: Mary Ann Santiago

Patay ang isang motorcycle rider nang makasalpukan ang isang van sa Pasig City, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot si Ariel Mirabel, nasa hustong gulang, habang arestado naman at nakakulong sa Pasig City Police ang suspek na si Eduardo Villaos.

Sa ulat mula sa Eastern Police District (EPD), naganap ang salpukan sa C. Raymundo Avenue, sa Barangay Caniogan, dakong 12:40 ng madaling araw.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Una rito, sakay si Mirabel sa kanyang Honda Wave motorcycle (NE-14002) nang sa ‘di pa malamang dahilan ay nakabanggaan nito ang Mitsubishi L300 FB Van (AAA-3557) na minamaneho ni Villaos.

Kasong reckless imprudence resulting to homicide ang isasampa laban kay Villaos.