ni Roy C. Mabasa

Buo ang suporta ng Pilipinas sa full implementation ng Southeast Asian Nuclear-Weapon-Free Zone (SEANWFZ) Treaty, alinsunod sa layunin ng rehiyon na mapanatiling Nuclear Weapon-Free Zone ang rehiyon at matiyak ang kaligtasan ng mamamayan sa ASEAN.

Kilala rin bilang Bangkok Treaty of 1995, ang SEANWFZ ay isang nuclear weapons moratorium treaty sa pagitan ng 10 miyembro ng ASEAN.

Si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang naging chairman ng Meeting ng SEANWFZ Commission, na napagdesisyunang palawigin ang implementasyon ng “Plan of Action (POA) to Implement the SEANWFZ Treaty” hanggang 2022.

National

DOH, nilinaw na hindi kumpirmado kumakalat na umano’y ‘international health concern’

Mapapaso ang limang taong POA ng SEANWFZ Treaty ngayon taon matapos itong pagtibayon noong 2013.

Sa ilalim ng kasunduan, kikilos ang limang nuclear-weapon states na kinilala ng Treaty on the Non-Proliferation of Nuclear Weapons (NPT) – ang China, United States, France, Russia at United Kingdom, mga permanenteng miyembro rin ng United Nations Security Council -- para igalang ang Treaty at hindi mag-aambag sa paglabag ng State parties nito.